Sinuspinde ni Cebu Gov. Hilario Davide III, ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cebu dahil sa malakas na pag-ulan kahapon.

Sa patuloy na pagbuhos ng ulan, nagdeklara na rin ang Cebu Provincial na walang pasok sa kapitolyo maliban sa mga mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Sinabi ni Cebu Provincial Information Officer (PIO) Ethel Natera, na lubhang napakalakas ng ulan kaya idineklara na walang pasok sa Kapitolyo.

Hinimok ni Davide na magsuspinde na rin ng pasok ang mga opisina sa pagbaba ng yellow rainfall warning ang buong lalawigan, kabilang na ang Bohol.

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

Nakaantabay na ang rescue team ng PDRRMC habang may nagaganap na evacuation sa ilang mga residenteng nakatira sa flood at landslide prone area.

Sinabi ng PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, na direktang naaapektuhan ng bagyong Mario at ng habagat ang buong lalawigan ng Cebu.