Nakumpleto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat hinggil sa umano’y P15 milyong pangingikil ng mga opisyal ng National Food Authority (NFA) sa mga rice trader.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, hawak na niya ang ulat ng NBI hinggil sa isyung kinasasangkutan umano ni NFA Administrator Arthur Juan.

Pero tumanggi muna si de Lima na kumpirmahin ang nilalaman ng ulat at kung ano ang rekomendasyon ng ahensiya.

Pag-aaralan na raw muna niya ang ulat para matiyak kung mayroon talagang sapat na batayan upang kasuhan ang mga isinagkot sa extortion.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nauna nang pinaratang si Juan ng rice trader na si Jojo Soliman ng pangingikil ng 15-milyong piso matapos nilang salakayin ang warehouse ng Purefeeds Corporation nuong Hulyo kapalit umano ng pagatras ng kaso laban sa kanya. - Beth Camia