WARSAW, Poland (AP)— Sinabi ng Polish at Israeli Holocaust researchers na nadiskubre nila ang eksaktong lokasyon ng gusali na kinalalagyan ng mga gas chamber sa Sobibor, isa sa mga death camp na pinatakbo ng Nazi Germany sa inokupang Poland.

Inanunsiyo ni Yad Vashem ng Israel at ng Majdanek State Museum sa Poland, na namamahala sa Sobibor, ang tuklas noong Miyerkules, tinawag itong isang mahalagang tuklas sa larangan ng Holocaust research.

Batid na ng mga historian already na nagopatakbo ang mga German ng mga gas chamber sa Sobibor mula Abril 1942 hanggang Oktubre 1943, pinatay ang tinatayang 250,000 Jew na dinala patawid sa Europe. Ngunit maraming katanungan ang hindi nasagot tungkol sa operasyon ng site dahil iilam lamang ang nakaligtas at karamihan ng mga lugar nito ay winasak na ng digmaan ng mga German.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela