WASHINGTON (AP) – Hindi magmu-mutate at maikakalat sa hangin ang Ebola virus, at ang pinakaepektibong paraan upang hindi ito mangyari ay ang tuluyang pagpuksa sa epidemya, ayon sa pinakamahusay na government scientist ng Amerika.

“A virus that doesn’t replicate, doesn’t mutate,” sabi ni Dr. Anthony Fauci, ng National Institutes of Health (NIH), sa mga mambabatas na miyembro ng House Foreign Affairs subcommittee.

Sinabi ni Fauci na nagmo-monitor ang mga Amerikanong researcher laban sa mutations ng virus, na 2,400 na ang napapatay.

Ngunit kung ikokonsidera ang mga teribleng bagay na dapat ikabahala tungkol sa hindi makontrol na Ebola epidemic sa West Africa, ang pangamba tungkol sa mutation concern ay hindi “something I would put at the very top of the radar screen,” sabi ni Fauci, pinuno ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases ng NIH.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Ang pinakamapanganib na Ebola outbreak sa kasaysayan ay pinaniniwalaang nakaapekto sa halos 5,000 katao, karamihan ay sa Liberia, Sierra Leone at Guinea. Nakahawa na rin ang nakamamatay na virus sa Nigeria at Senegal.

Naisasalin ang Ebola sa pamamagitan ng direct contact sa likido mula sa pasyente. Ngunit habang patuloy na lumulubha ang epidemya, tumindi rin ang pangamba na maaaring mag-mutate ang virus at maging mas nakakahawa.

Sa pagdinig sa Senado at Kongreso nitong Martes at Miyerkules, inusisa ng mga mambabatas si Fauci kung posible ba na maging airborne ang Ebola.

Bagamat nilinaw na hindi niya sinasabing imposibleng mag-mutate ang Ebola virus, sinabi ni Fauci: “Very, very rarely does it completely change the way it’s transmitted.”