Lalong naharap sa matinding pagsubok ang Gilas Pilipinas matapos mabunyag ang posibilidad na maglaro na lamang ang 11 manlalaro sa pagsisimula ng 17th Asian Games basketball event sa Incheon, South Korea.

Ito ang ipinahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan sa kanyang twitter account na @iamMVP kung saan ay kinastigo nito ang pa-ibaibang desisyon ng mga nagpapatakbo sa kada apat na taong torneo na opisyal na magbubukas ngayon sa Incheon Asian Games Main Stadium.

“Hey what they’re doing is a travesty of Olympic ideals,” sinabi ni Pangilinan sa kanyang account.

“PH facing possibility to play 11 players. This is unacceptable. We should have the allowable 12 players,” giit pa nito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We will go to battle with Marcus, JD, Jimmy, LA, Paul, Jeff, Gary, Gabe, Ranidel, Japeth, Junmar, Ping,” saad nito bago muling lumitaw ang posibilidad na hindi makapaglaro ang isa pang naturalized player ng koponan na si Marcus Douthit.

“We have fully complied with all procedures and requirements making Marcus eligible and part of a 12-man roster. Marcus cleared by OCA in their Sept 8 letter to us and by IAGOC during the DRM last Sept 11,” dagdag nito.

Matatandaan na unang nagtungo si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chef de Mission Richie Garcia sa Korea upang asikasuhin ang kaso ni Douthit, na pinayagan noon ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) kapalit ni Andray Blatche, ang isa pang naturalized player ng Gilas Pilipinas na nadiskuwalipika bunga ng kakulangan sa residency na tatlong taon na itinakda ng Olympic Council of Asia (OCA).

Gayunman, ang pagkakasama ni Douthit ay muling kinuwestiyon bago isagawa ang team manager meeting.

Ito ay dahil ang mga basketball superpower sa rehiyon na China, Japan, Iran at host Korea, ay nakatakdang muling kuwestyunin ang pagpayag ng OCA at IAGOC kay Douthit na anila’y hindi din dapat palitan si Blatche.

Agad na kinatakutan ang Pilipinas ng mga superpower na naggigitgitan para masungkit ang gintong medalya.

Ang Technical Meeting ng basketball ay nakatakda ngayong umaga kung saan ay malalaman kung tuluyang papayagan si Douthit bilang replacement para sa nabakanteng puwesto.