Muling nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Miyerkules sa mga Pilipino laban sa pagsali sa extremist groups sa ibayong dagat kasunod ng mga ulat ng mga kabataang Pinoy na umaanib sa mga jihadist sa Iraq.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma ang pagkamatay ng dalawang Pilipino na lumalaban kasama ang oposisyon sa Syria, napakalaking banta ang mga Pilipino na ginagamit bilang mandirigma ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL), na kilala rin bilang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
“The Philippine Government is cognizant of the potential threat to national security that could be posed by Philippine nationals joining extremist groups overseas,” pahayag ng DFA.
“Such dangers include the propagation of extremist ideas and terrorism by Filipinos affiliated with such groups upon their return home,” ayon dito.
Sinabi ng DFA na sinimulan na ng mga awtoridad sa security at intelligence ng pamahalaan ang pagmomonitor sa posibleng pangangalap ng ISIS at ng mga banyagang extremist group sa Pilpinas.
“The DFA defers to them on this matter,” saad sa pahayag. Muli ding binigyang diin ng DFA ang posisyon nito laban sa mga gawaing terorismo at krimen sa digmaan.
“We reiterate that the Philippines condemns the war crimes and crimes against humanity being perpetrated by ISIS,” pahayag ng DFA.
“As a responsible member of the international community, the Philippines will do its part in global efforts to thwart ISIS,” dagdag dito.