UMUWI na rin si Denise Laurel sa Star Magic, ang kanyang orihinal na tahanan at sa kanya ring tunay na talent manager.
“It made me feel like I’m back to my teenage days where everyone gathers and enjoy each other’s company… everyone is happy to see you,” kuwento ng magandang aktres. “Everyone is excited to see each other, every moment feels like we’re having a reunion… What’s good about Star Magic is that even you have left they will never forget you, some of them hindi naman talaga nawala ‘yung communication.”
Si Mr. M (Johnny Manahan) ang discoverer ni Denise, nang makita siya sa Repertory Philippines at binigyan ng break sa Ang TV 2.
“I will forever be grateful for what he [Arnold Vegafria, ang dati niyang manager] has done for me and for respecting my decision to go back,” ani Denise.
Bukod sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, hindi pa nailalatag ang mga proyektong gagawin niya sa Dos pero lubos ang tiwala niya sa kanyang home network. Pero itutuloy niya ang kanyang pagtutol sa double standard na, “when you’re a mom, they expect you to do only mother roles.” Naniniwala si Denise na marami pa rin siyang papel na maaaring gampanan bukod sa mother roles.
Dahil sa teatro nagsimula, gusto niya uli itong balikan, kung may sapat siyang oras.
“When it comes to theater kasi, it demands to have daily rehearsal so as teleseryes that requires heavy shooting days, but given the chance I would love to go back from singing and dancing…”
Excited si Denise sa pagsasama nila ni Vina Morales sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.
“I’m overwhelmed to be working with her and doing for the first time the role of the other woman,” aniya.
Nakatakdang magdiwang ng kanyang birthday si Denise sa ASAP 19 ngayong Linggo.