PINURI ng Volunteers against Crime and Corruption (VaCC) at ng Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines (FPPCP) kahapon si Justice Secretary Secretary Leila De lima sa pag-uutos sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang lahat ng suspek na pinangalanan ni Dagupan City broadcaster Orlando Navarro, station manager ng DWIZ news Radio Dagupan.

Si Navarro, isang prominenteng broadcast journalist at pangulo ng Pangasinan Press Club (PPC), ay binaril ng isang di kilalang salarin noong agosto 26 malapit sa kanyang tahanan sa Dagupan City. buti na lang hindi siya napaslang. Sa mensahe ni Sec. De lima sa media, aniya: “all those mentioned by the victim are included in the investigation”.

Kasama sa ininguso ni Navarro sa kanyang affidavit sa Department of Justice (DOJ) ay si Dagupan City Mayor Belen Fernandez. itinanggi naman ni Fernandez na may kinalaman siya sa tangkang pagpatay sa broadcaster. Sinabi ni Fernandez na nasa pagpupulong siya ng league of Cities of the Philippines nang mangyari ang insidente.

Pinangalanan din ni Navarro sina Dagupan City police chief Christopher Abrahano, dating provincial police director marlon Chan, dating Criminal investigation and Detection group Pangasinan Chief Freddie Laoyan at isang Marlon Cabral. Sa isang press conference sa manila, ibinunyag ni Navarro na kritiko niya si Fernandez dahil sa kabiguan ng adminsitrasyon nito na pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga at iba pang kriminalidad sa premyadong lungsod ng Pangasinan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kinondena nina VACC president Dante Jimenez at FPPCP president Allan Sison ang tangkang pagpaslang kay Navarro. Anila ang pagtatangka sa buhay ni navarro ay isa na namang pag-atake upang lumpuhin ang press. Kinondena rin ni Pangasinan gov. amado Espino, Jr. at ng iba pang grupo tulad ng national Press Club, national Union of Journalists, Publishers association of the Philippines, Inc., and other press freedom sectors ang naturang pamamaril.

* * *

Ang Catholic mass media awards Foundation, inc. ay magdaraos ng 36th CMMA NIGHT sa Oktubre 29, 2014 sa GSIS Theater, GSIS building, Roxas blvd., Pasay City, 5:00 ng hapon.