Pag-aaralan ng Department of Justice (DoJ) ang isinusulong ng ilang mambabatas na pagsususpinde sa warrant of arrest laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari para makadalo ito sa pagdinig kaugnay ng Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos siyang imbitahan ng House panel.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, aalamin nila kung mayroon nang precedent o kahalintulad na sitwasyon noon maaari nilang pagbabatayan. Malaking katanungan din aniya kung papayag ang hukuman na huwag munang pairalin ang utos na pag-aresto kay Misuari.

Ang warrant of arrest laban kay Misuari ay bunsod ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o International Humanitarian Law kaugnay sa pag-atake sa Zamboanga City noong Setyembre 2013.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon