Isang magarbong seremonya ang gaganapin ngayong gabi ng Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) na pormal na magbubukas sa pinaka-aabangang 17th Asian Games sa Incheon, Korea na sasabakan ng 45 mga bansa. Ikalawa sa pinakamalaking sports event sa mundo, kasunod sa kada apat na taong Olympic Games, lalarga na ang 16 na araw na torneo na magsisimula ngayon (Setyembre 19) at magtatapos sa Oktubre 4 kung saan ay ilang oras lamang ang inihandang sorpresa sa seremonya.

Bitbit ang slogan na “Diversity Shines Here”, bubuksan ng South Korea ang pagiging punong-abala sa ikatlong pagkakataon ang centerpiece event ng Olympic Council of Asia (OCA) matapos na isagawa ito noong 1986 sa Seoul at 2002 sa Pusan. Pamumunuan ng kilalang director na si Im Kwon-taek ang overall direction ng seremonya na inaasahang maghahatid ng malaking kasiyahan sa mahigit na 20,000 kalahok, kabilang na ang tinatayang 15,000 atleta at team officials na mula sa 45 National Olympic Committtee at 7,000 media.

Sisimulan ang opening ceremony sa pag-awit ng soprano na si Jo Sumi ng Asiad Song’ na nilikha mismo at inialay para sa torneo ng manunula na si Go Eun sa

Incheon Asiad Main Stadium kasama ang Incheon Citizen's Choir.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipakikita din ang “Boy with the Hoop” na representasyon sa 1988 Seoul Olympics upang maiparating ang nakaraan kaganapan ng rehiyon sa Asia, ang kasalukuyan at ang paparating na panahon.

Pamumunuan din ng director na si Jang Jin ang seremonya na may overall theme na ‘Dream of 45 Million People, Unity in Asia’ at ang theme ng opening ceremony, ang ‘Meet Asia’s Future’. Ang theme naman ng closing ceremony ay ang ‘Asia will Remember Incheon’.

Inaasahan din ang pagtatanghal ng Korean Pop star na JYJ na siyang kakanta sa theme song ng Incheon Asian Games na may pamagat na “Only One” at maging ang kapwa niya mga artist na sina Kim Soo Hyun, EXO, BIGBANG, CNBLUE, at ang phenomenal na kumanta ng Gangnam Style na si PSY.

Nakatakdang paglabanan ang kabuuang 36 sports, kabilang ang 28 Olympic Games sports na nasa programa ng Rio de Janeiro 2016. Isasagawa ang mga laro sa 49 competition venues, kabilang ang 23 bagong stadium at 54 iba pang training venue na ang 49 ay matagal nang naitayo.

Agad namang sasabak ang mga atleta ng Pilipinas sa pitong sports na pangungunahan ng fencing, judo, rowing, shooting, lawn tennis, weightlifting at wushu.