Cristine-Sam-ans-Anne

NAPANOOD namin ang The Gifted sa Gateway Cinema 3 noong Miyerkules, last full show, umabot naman kami sa mahigit 50 kataong nanood, at tinanong din namin ang takilyera kung kumikita at ang sagot sa amin, "Okay naman po simula sa unang screening."

Black comedy ang paglalarawan ng direktor na si Chris Martinez sa kuwento ng The Gifted bagay na hindi nasakyan ng mga kasabayan naming nanood dahil hindi sila natatawa.

Sa mga parte lang ni Sam Milby namin naririnig na nagtatawanan ang lahat dahil sa Visayan accent nito habang nagsasalita ng Tagalog. In fairness, ang galing nang magsalita ng Tagalog ng aktor. nang gabi kaya siyang nag-rehearse, he-he ....

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Pinakinggan nga naming mabuti kung si Sam nga ba 'yung nagsasalita na may Visayan accent o pina-dub lang. Boses talaga ng actor, kaya nakakaaliw talaga.

Bigla tuloy namin naisip ang ever loyal P A ni Sam na si Nene, taga-Zamboanga, na simula nang lumabas ang aktor sa PBB house ay nasa buhay na niya. Hindi kaya ang dalagang PA ang peg ng guwapong aktor?

Alagang-alaga ng kamera si Sam dahillahat ng anggulo ay guwapo siya at isa itong The Gifted sa nagustuhan naming acting niya bukod sa And J Love You So nila ni Bea Alonzo.

Okay naman ang The Gifted, may mga eksenang nakakatawa at may mga nakakairita lalo na kapag nanggigil sa galit si Anne Curtis kay Cristine Reyes na nung una ay dedma lang sa ginagawa sa kanya pero iyon pala'y kinikimkim lang niya.

Tawanan ang lahat nang gumawa ng milagro si Cristine dahil tinawag siyang, " Aika Diri" na hanggang sa gumanda na siya ay hindi pa rin nakalimutan ng mga dating kaklase.

Ang fresh ni Cristine sa pelikula at bagay sa kanya ang mga suot niya kumpara sa Trophy Wife na parang ngarag at kitang-kita ang cellulites.

Si Anne naman kahit na gaano ka-sexy ang mga suot sa The Gifted, hindi bastusin ang dating, very classy.

Paglabas ng sinehan ay saka namin narinig na nagkukuwentuhan ang mga kasabay naming, "Bagay kay Anne na mataba, silang pamilya mataba, mukha naman niyang nanay talaga si Arlene Muhlach. Bagay ding mag-ina sina Candy (Pangilinan) at Cristine kasi magkahawig sila."

Anyway, ang nagbabalak manood ng The Gifted ay huwag munang lalabas kaagad kapag ipinakita na ang credits dahil hindi pa ito tapos at malalaman ninyo after credits ang tunay na kuwento ng pelikula.