Ipinagbabawal muna ang panghuhuli ng mga shellfish sa bayan ng Milagros sa lalawigan ng Masbate.
Ito ang paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda roon sa layuning makaiwas sa pagkalason.
Ayon sa BFAR, ipinagbabawal ang panghuhuli at pagkain ng shellfish sa lugar dahil positibo sa red tide ang Irong-Irong Bay at mga kalapit na coastal areas.
Partikular ang shellfish na tahong at alimasag ang ipinagbabawal na hulihin at kainin.
Gayunman, nilinaw ng BFAR na hindi maaapektuhan ang supply ng shellfish mula sa Bicol dahil karamihan sa mga ito ay nanggagaling sa Sorsogon.