Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)
12 p.m. Mapua vs Lyceum Urs/srs)
4 p.m. Perpetual Help vs JRU (srs/jrs)
Solong ikatlong puwesto na magpapalakas sa kanilang kampanya upang makausad sa Final Four round ang pag-aagawan ngayon ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) at season host Jose Rizal University (JRU) sa kanilang muling pagtutuos ngayon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 basketball tournament.
Sa ganap na alas-4:00 ng hapon magtatagpo ang landas ng Altas at ng Heavy Bombers para sa seniors match kasunod sa unang laban sa pagitan ng magkapitbahay na Mapua at Lyceum of the Philippines University (LPU) sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Kahit ang panandaliang brownout sa venue ay hindi nakapigil sa pagratsada ng Altas sa kanilang ikatlong sunod na panalo makaraang bawian ang Arellano University (AU) sa nakaraan nilang laro, 101-86.
Matapos namang mabigo sa kanilang unang laro sa second round, bumalikwas at nagposte ng back-to-back wins ang Heavy Bombers upang sumalo sa Altas sa third spot na kapwa taglay ang barahang 8-4 (panalo-talo) kasunod sa mga namumunong San Beda (9-2) at Arellano (9-3).
"Panibagong pagsubok na naman ito sa amino Pero at least ngayon kahit paano, me nakukuha na silang suporta galing sa teammates nila. Sabi ko naman kasi doon sa ibang mga player ko, huwag nilang sayan gin iyong pagkakataon kapag ipinasok sila, kasi kaya nga sila nandito sa team ay dahil alam kong kaya nilang maglaro," pahayag ng beteranong coach ng Altas na si Aric del Rosario.
"Mahirap na kalaban ang Perpetual kasi ang lakas nila. Iyong panalo nga namin sa kanila sa first round ay talagang suwerte lang eh," ayon naman kay JRU coach Vergel Meneses. Gaya ng dati, muling aasahan ni Del Rosario ang kanyang 1-2-3 punch na sina "Triple Doule Machine" Scottie Thompson, PBA bound na sina Harold Arboleda at Juneric Baloria, kasama ang dalawa pang starters na sina Justine Alano at Joel Jolangcob.
Maliban sa kanila, nariyan din ang iba pa nilang reliables na galing sa bench na kinabibilangan nina Gerald Dizon, rookies Ric Gallardo at Gab Dagangon, Kevi Oliveria, Nestor Bantayan at GJ Ylagan.
Sa kabilang dako, tiyak namang hindi magpapasapaw para muling maipanalo ang JRU sina Philip Paniamogan, Michael Mabulac, Tey Teodoro, Abdil Wahab Abdul Razak, Jaycee Asuncion, Dave Sanchez at Gio Lasquety.
Samantala, makaangat mula sa pagkakabuhol nila ng Letran sa ikalimang puwesto para patuloy na buhayin ang tsansa nila na makahabol sa huling Final Four slot ang tatangkain ng Lyceum Pirates sa muli nilang pagsagupa sa talsik nang Mapua Cardinals.