Matapos ianunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang balakin nitong gamitin ang lumang pCos machines na may kombinasyon ng ilang bagong teknolohiya para sa 2016 elections, agad na nag-react ang ilang miyembro ng Kamara de Representantes: Wala nang PCOS machines!

Ayon sa Comelec, ipinatupad nito ang rekomendasyon ng advisory Council nito na gamitin ang mixed voting technology para sa susunod na halalan, lalo na ang bagong optical Mark Reader system na gagamit pa rin ng pCos machines.

Mauunawaan naman natin ang hangarin ng Comelec na gamitin ang may 80,000 PCOS machine mula sa smartmatic na nakatago sa mga bodega mula pa noong huling halalan. Dahil lumobo na ang populasyon ng botante, mangangailangan pa ng karagdagang 40,000 unit.

Ngunit hindi yata batid ng Comelec ang malawakang kawalan ng tiwala sa pCos machines, na lantarang pagtanggi na isinatinig ng mga miyembro ng Kamara noong isang araw. Hindi lamang sila mga leader ng oposisyon ngunit kabilang din ang mga makapangyarihan sa namumunong Liberal Party.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nang matapos ang 2013 elections, kinuwesiyon ang resulta ng senatorial elections ng mga nakapansin ng 60-30-10 percent trend na pumapabor sa majority coalition sa botohan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Walang nangyari sa mga akusasyon ng manipulasyon ng computer, kasi nga totoong napakahirap kung hindi imposible na patunayan ito nang walang aktuwal na recount.

Gayunman, mayroong naitalang kaso na ipinakita noong nakaraang buwan sa Joint Congressional oversight Committee na pinamunuan ni sen. Koko pimentel at Rep. senen sarmiento. sa precinct 19 sa Barangay Concepcion, General tinio, Nueva Ecija, bumilang ang pCos machine ng 278 boto para kay senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva, ngunit sa manu-manong recount, aktuwal siyang nagtamo ng 366 boto – may diperensiya ng 88 boto sa iisang presinto lamang.

Ani Comelec Chairman sixto Brillanes, maaaring may nag-tamper ng mga ballot box, ngunit nasa kustodiya ng Comelec ang mga iyon sa lahat ng pagkakataon. ang mas malamang na paliwanag, ayon sa kampo ni Villanueva sa pagdinig, ang compact flash (CF) card ang na-tamper.

Inilutang ng mga computer expert na may dalawang paraan upang ma-tamper ang results sa automated elections. Isa ay sa pamamagitan ng CF cards. ang isa pa ay sa pamamagitan ng transmisyon ng pekeng precinct results sa municipal center ng mga partisan operator. alinmang taktika ang gamitin sa General tinio precinct, ang posibilidd na gamitin iyon sa mas malawak na sakop sa isang presidential elekciyon ay hindi maipawawalang-bahala.

Ito, sa ating palagay, ang dahilan kung bakit sinabi iyon ng ilang leader sa Kongreso para sa 2016, na kailangang gumamit na ng bagong machine ang Comelec, hindi ng pCos machines na ginamit sa halalan noong 2010 at 2013. “Dapat all new machines… para walang doubt ang mga tao,” sabi ng isang kongresista.

Walang dudang napabilis ng automated elections ang pambansang pagbibilang ng mga boto, na alam agad ng resulta sa loob ng ilang araw lang hindi mga linggo tulad ng dati. Ngunit hindi tayo makapagpapatuloy na magkaroon ng napakaraming kuwestiyunableng resulta, maraming duda. May mga mungkahi na bilangin na lang nang manu-mano ang mga boto sa mga presinto at ita-transmit ang mga resulta electronically. sa ganitong paraan agad na matitiyak ang mga resulta at makatutulong sa pagpapabawas ng mga pagdududa na umiiral ngayon.