ANG kampanya laban sa kahirapan sa bansa ay maaaring nagkakaroon ng kaunting aberya kung kaya naaantala. Ngunit ang pakikinig kay Dagupan City Mayor Brian Lim, isang senador ng Jaycees Philippines, mawawala ang mga balakid. Isang negosyanteng sumusunod sa yapak ng kanyang ama, si Benjie - na minsang naging senador at international president ng naturang organisasyon – pinabibilis ng batang Lim ang isang kabuhayan package na sinimulan ng nakatatandang Lim sa lalawigan ng pamilya sa Pangasinan.

Dating mayor ng Dagupan, hinimok ni Benjie ang kanyang kapwa mayor na tipunin ang mga barangay at gamitin ang kahusayan at talento ng mga mga lokal sa isang maliit ngunit mabungang kabuhayan na gagamit ng raw material at resources. ang inisyatibang ito ni Lim ay alinsunod sa programa ng gobyerno sa pagpapababa ng kahirapan. Isang malaking lalawigan ng Pangasinan na malawak ang natural resources. Sa ilalim ng inisyatiba ni Lim, tinipon ang resources na ito at prinoseso upang maging kakaibang mga produkto ng Pangasinan na kinagigiliwan at tinatangkilik ng mga panauhin.

Nag-aral sa Boston na may special studies sa asian Institute of Management, hinihimok ni Brian ang kanyang kapwa Jaycees na maging aktibo sa pakikipaglaban sa kahirapan bilang tugon sa panawagan ng mga pamahalaang lokal sa buong bansa. Bilang isang respetadong organisasyon ng young professionals at businessmen, malawak ang potential resources ng JCI na madaling magamit upang suportahan ang poverty alleviation program ng gobyerno. ako ay naniniwala na ang inisyatiba ni Lim ang lunas sa kahirapan. Inaasinta ni Brian Lim ang pagkapangulo ng JCI-Philippines sa isang sabayang halalan sa mga lungsod ng Cabanatuan, Batangas, angeles, Bacolod at Zamboanga sa Setyembre 7.

Kasama ni Lim si JCI senator Christopher Camba bilang national executive vice president. Isang affiliate ng aboitiz group of Companies, si Camba bilang JCI-Cebu president, ay tumanggap ng maraming parangal. Kasama rin si Richard Marinas, past president ng JCI-Cainta at respetadong real estate developer. Magwagi nawa ang kanilang koponan sa malaking paghamong ito.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente