Pinataob ni Allan Pason si top ranked John Ray Batucan sa sixth round at umiskor ng 2.5 puntos sa huling tatlong laro upang kamkamin ang juniors crown habang kinubra ni Davao Wisdom Academy’s Earl Rhey Mantilla ang kiddies plum sa 22nd Shell National Youth Active Chess Championships-Southern Mindanao leg sa SM City sa Davao City kamakailan.

Dinispatsa ng second-seeded na si Pason si Batucan sa labanan ng unbeaten players, tumabla kay Diego Claro sa sumunod na laro at sinundan ng pagbigo kina Clark Anabieza at Raymund Vistal upang tanghaling solo winner sa 20-and-under section na taglay ang 8.5 puntos.

Sinundan ng University of Cebu ace ang No. 7 na si Gerard Acedo patungo sa grand finals sa event na inisponsoran ng Pilipinas Shell kung saan ay diniskaril ng huli, mainstay ng Bukidnon State U, sina Joerlz Gimony, Michael Gastala, Claro at Batucan upang tumapos na solo second na mayroong 8 puntos at ipako ang isa pang spot sa national finals na nakatakda sa Oktubre 11-12 sa SM Megamall.

Namuno sa Gracing awards rites sina Pilipinas Shell District manager (VisMin) Mark Anthony Gayon, Shell Sasa Terminal manager Annadelyn Estoque, Shell Account manager (Lubricants) Christine Enriquez, Shell Sasa Operations administration Romulo Agoto Jr., at Shell active chess alumna Mary Israel Palero, ang 2012 juniors champion.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang seventh ranked na si Mantilla, kasama sina Jason Comendador at Ezra Ocliasa na winalis ang kanilang limang mga laro, ay nasustena ang kanyang matinding porma kung saan ay pinadapa nito sina Ocliasa, Roger Magdugo, Honey Grace Buenafe at Ranulfo Ranario upang pangunahan ang 14-and-under division na mayroong 9 puntos. Umusad ito sa grand finals kasama si 40th ranked Magdugo, tumabla sa ikalawang puwesto kay Eric Yngayo Jr. na may 7.5 puntos ngunit kinuha ang ikalawa at huling berth sa grand finals na taglay ang superior tiebreak score.

Tumapos si Mary Jonah Lequin na tabla sa ikalimang puwesto na may 7 puntos at tinanghal top female player sa juniors class habang si Honey Grace Bautista ang namayani bilang kiddies section’s top female player na may 7 puntos kung saan ay kapwa sila umakyat sa grand finals sa event na ginabayan ng Shell FuelSave Unleaded and Diesel, Shell Fuel Oils, Shell V Power Nitro at Shell Rimula, at maging ng Unilever at SM Supermalls na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines.