Mga terrorist daw ang nasabat ng mga NBI na may dalang mga bomba. Pasasabugin daw ng mga ito ang Ninoy aquino International airport at iba pang mga gusali kasama ang Chinese Embassy. Ang reklamo nila, malamya ang pagresponde natin sa karahasang ginagawa ng China laban sa atin sa hangarin sakupin ang mga islang matagal na nating inaari at minimintina. gusto marahil nga ng mga ito ay tumbasan din natin ng karahasan ang karahasang ito ng China. Ibang klase rin ang mga taong ito. Dahil ayaw nating maging marahas sa paglutas ng problema sa China, sila na ang marahas sa paglalabas ng kanilang saloobin laban sa gobyerno.

Pero pakana lang daw ito ng administrasyong Aquino, ayon kay Atty. Oliver Lozano na siyang abogado ng mga dinakip na umano ay terrorist. Naglalatag lang daw ng batayan ang administrasyon sa pagdedeklara ng martial law. Kaya pa kaya ng administrasyong ito, o kahit ano pang susunod na administrasyon, ang magpataw ng batas militar pagkatapos nating maranasan ang mapailalim dito? Hindi kaya gagawin na rin natin ang ginawa ng ating apatnapong peacekeeper na sundalo na nakubkub na ng mga Syrian rebels sa golan Heights na hindi sumuko sa kabila ng atas sa kanila ng United Nations ground commander na gawin ito? Kaya, hindi sumuko ang ating mga sundalo ay may nauna nang gumawa na rin nito pero minasaker sila ng mga rebelde. Maraming nangamatay at nangawala sa panahon ng martial law. Sa panahon ding ito , umiral ang kaapihan, kagutuman, kawalang katarungan at paglabag sa karapatang pantao. Mahirap nang isuko ang espiritu ng EDSA.

Naniniwala rin akong pakana lamang itong sinasabing terorismo, pero sa ibang dahilan. ang kumatha nito ay may layuning agawin sa mata ng publiko ang gaganaping impeachment sa Kamara laban sa Pangulo. O kaya para mapagaan ang marka sa isipan ng mamamayan ang nangyaring impeachement at itong pakanang terorismo ang manatiling maglalaro nang matagal sa kanilang isipan. alam ng Pangulo na walang kahihinatnan ang impeachement, pero masakit para sa kanya ito dahil dinanas din ito ni Pangulong gloria. Lumalabas kasi na parehong daan lamang ang kanilang tinungo sa pamamahala ng gobyerno.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez