NEW YORK (AP)– Nalampasan ni Novak Djokovic ang nanghihinang si Andy Murray, 7-6 (1), 6-7 (1), 6-2, 6-4 sa isang matchup ng mga dating kampeon sa U.S. Open upang umabante sa semifinals ng torneo sa ikawalong sunod na taon.

Naghintay ang No. 1-ranked at No. 1-seeded na si Djokovic bago naitulak ang sarili sa unahan sa dikdikang 3 hour, 32-minutes match na natapos sa mahigit na ala- 1:00 ng madaling araw kahapon.

Na-break ni Djokovic ang eighth-seeded na si Murray upang umangat sa 3-1 sa third set, at pagkatapos ay naisalba ang isang pares ng break points sa sumunod na game. Sa unang game, lumampas ang backhand ni Murray at pagkatapos ay napayuko upang hawakan ang tuhod. Sa ikalawa, sa net naman tumama ang kanyang forehand at pagkatapos nito ay inihampas ang kanyang raketa sa kanang hita at napasigaw.

Pagdating sa ikaapat na set, isang trainer ang lumabas upang bigyan ng heat pack si Murray.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Siya ay sumailalim sa isang surgery noong isang taon, at sa kanyang first-round match sa New York noong isang linggo, tiniis niyang maglaro kahit pinupulikat ang buong katawan. Naging maigi naman ang lagay ni Murray mula roon, ngunit hindi niya nagawang mapanatili ang top form sa dikitang labanan nila sa quarterfinal ni Djokovic, na napanalunan ang U.S. Open noong 2011 at naglaro sa huling apat na finals.

Sa Linggo, nakatakdang makatapat ni Djokovic ang 10th-seeded na si Kei Nishikori, ang unang male player mula Japan na nakaabot sa U.S. Open semifinals mula Ichia Kumagae noong 1918.

Tinalo ni Nishikori ang thirdseeded na si Stan Wawrinka ng Switzerland, 3-6, 7-5, 7-6 (7), 6-7 (5), 6-4.

Ang nasabing laban ay tumagal ng mahigit apat na oras, at nagawa ni Nishikori na mapagpag ang pagod mula sa nauna nitong laban.