Hiniling ng whistleblower sa P10 bilyong pork barrel fund scam na si Benhur Luy sa Sandiganbayan na harangin ang plano ng defense panel na “masilip” ang kontrobersyal na hard drive nito na sinasabing naglalaman ng mga impormasyon sa transaksyon ng mga mambabatas sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Janet Lim-Napoles.

Sa bail hearing noong Miyerkules ni Senator Ramon “Bong” Revilla kung saan tumatayong witness si Luy, iginiit ni Luya ang dapat na ibigay na kopya sa panig ng depensa ay ang mga file na binanggit ng testigo sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI).

“The scope of the granted access should only be narrowed down to the files that were the subject of [NBI special investigator III Joey] Narciso’s testimony,” saad sa bahagi ng mosyon ni Luy.

Binanggit ni Luy sa anti-graft court ang anim na dokumento na kinabibilangan ng:

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

1. Files na nasa “JLN Disbursement” folder;

2. 2009-NGO, Company, Interest-BankBalance Update.xls;

3. 2010-NGO, Company, Interest- BankBalance Update.xls;

4. JLN Cash Disbursement.xls

5. 2010 JLN Cash Disbursement. xls; and

6. 15_Disbursement.xls

Nagsumite rin si Luy ng “Very Urgent Manifestation/Motion to Clarify” kaugnay ng kautusan ng korte noong Agosto 28, 2014 na nagpapahintulot sa depensa na makakuha ng mga kopya ng files na nasa external hard drive ni Luy.

Depensa ni Luy, hindi na kailangang mabigyan pa ng buong kopya ng files ang panig ng depensa at maaaring makaapekto lamang ito sa mga kasong may kinalama sa ‘pork’ scam.

Idinahilan din ni Luy ang kanyang constitutional right to privacy dahil ilan sa mga files na nasa hard drive nito ay mga personal na bagay.