Minaliit lamang ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang isang panukalang batas na magpapataw ng mataas na entrance fee sa mga casino upang hindi malulong sa pagsusugal ang mga Pinoy.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), napakaliit ng halagang P3,500 na entrance fee para sa casino na isinusulong ni Misamis Oriental Representative Peter Unabia.

Aniya, daan-daang libo at milyun-milyong piso ang perang hawak ng mga nagsusugal sa mga casino kaya’t tiyak na barya lamang sa kanila ang P3,500 na entrance fee dito.

Hinamon pa ng arsobispo ang pamahalaan na kung talagang seryoso ito na alisin ang mga casino at pasugalan sa bansa ay itaas nito ng 10 hanggang 25-beses ang entrance fee.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Naniniwala si Cruz na pakitangtao lamang ng Malacañang ang panukalang batas upang masabi na mayroon silang nagagawa upang masawata ang sugal sa bansa.