Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na magpapatupad sila ng mas mahigpit na campaign finance rules sa 2016 presidential polls.
Ang pahayag ay kasunod nang pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa airtime limit ng mga political advertisement na unang ipinatupad ng poll body.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., partikular silang maghihigpit sa monitoring ng mga paggasta at documentary requirements para sa halalan sa 2016.
Rerebisahin rin aniya nila ang kanilang airtime policy para umayon sa ruling ng Korte Suprema.