Limampung riding-in-tandem ang hinuli sa Mandaluyong City kaugnay sa implementasyon ng City Ordinance No. 550 na nagre-regulate sa magkaangkas sa motorsiklo na nagsimula noong Agosto 30, iniulat ng Traffic and Parking Management Office (TPMO).

Naunang inihayag ni Mayor Benhur Abalos na nagsagawa sila ng malawakang information dissemination sa tri-media at maging sa billboards ay nagpaskil din sila ng mga abiso sa pampublikong lugar hinggil sa ordinansa na nagbabawal sa dalawang lalaking magkaangkas, maliban lamang kung mag-ama, at parehong babae ang magkaangkas.

“Ito ay pilot test sa loob ng anim na buwan at maaring tanggalin o amiyendahan kung sakaling hindi naging epektibo laban sa riding-in-tandem crimes kung saan base sa statistics ay mga lalaki ang mga perpetrator o gumagawa nito,” paliwanag ni Mayor Abalos.

Ipinabatid ng Alkalde na nakalaan ang multang P1,000 sa first offense, P2,000 sa ikalawa at P3,000 o tatlong buwang pagkabilanggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa ikatlong paglabag ay posible silang maparusahan sa dalawang nasabing opensa depende sa ipatutupad ng korte.