VIGAN CITY - Malaki ang posibilidad na lumubog ang mababang bahagi ng Ilocos Sur sa pangambang umapaw ang Abra River dahil nakakalbo na umano ang kagubatan at hindi na magawang sumipsip ng baha.

Ito ang babala ni acting Provincial Local Government Officer Federico Bitonio Jr. sa pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ayon kay Bitonio, matindi ang banta ng baha sa mga bayan ng Caoayan, Bantay, Santa at Vigan City.

Aniya, ang Abra River ay may drainage area na 5,125 square kilometers at habang 178 kilometro na sinisisi sa pagkatibag at pagguho ng bato galing sa mga bayan ng San Emilio, Del Pilar, Quirino at Cervantes. - Wilfredo Berganio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho