Ginapi ng National University (NU) ang De La Salle University (DLSU), 3-0, upang makahakbang palapit sa asam na mabawi ang titulo sa men’s division ng UAAP Season 77 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

“We were very focused and well rested because of our one-week break,” pahayag ni dating MVP Joper Escueta makaraang pangunahan ang kanilang koponan patungo sa kanilang ikawalong sunod na panalo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tinalo ni Escueta si John Kenneth Monterubio, 21-16, 21-12, sa first singles bago nakipagtambal kay Ariel Magnaye para maiposte ang 21-14, 21-14 panalo sa doubles kontra kina Gerald Sibayan at Carlos Cayanan.

Nagwagi din si Magnaye sa second singles makaraang pataubin si Sibayan, 21-12, 21-16.

Taglay ng Bulldogs, na nauna nang nanaig laban sa Green Archers, sa pamamagitan din ng sweep sa nakaraang eliminations ang matinding thrice-to-beat advantage makaraan nilang mawalis ang pitong laro sa elimination round.

Huling nagkampeon ang NU noong 2012, makaraang pataubin ang Ateneo sa finals ngunit naagaw sa kanila ng Blue Eagles ang titulo noong nakaraang taon.