Serena Williams

NEW YORK– Maitutuon na ni Serena Williams ang kanyang buong atensiyon sa singles competition makaraang matalo siya at ang kapatid na si Venus sa women’s doubles draw, 6-7, 4-6, kina Ekaterina Makarova at Elena Vesnina sa quarterfinal round.

Sina Makarova at Vesnina ay ang 4th seed. Ang magkapatid na Williams ay hindi seeded at hindi pa nananalo sa torneo mula 2009.

Si Serena, Makarova, at Flavia Pennetta ay pawing nakaabante na sa quarterfinals sa singles at doubles draw. Uusad si Makarova sa semifinals sa doubles at target niyang magawa rin ito sa singles ngayon. Seeded sa 17, makakatapat niya ang 16th-seed na si Victoria Azarenka sa ikalawang match na nakatakda sa Arthur Ashe Stadium.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Pennetta at ang kaparehang si Martina Hingis ay umusad rin sa semifinals makaraang manalo sa kanilang quarterfinal match, 6-4, 6-3, noong Martes ng hapon. Makakatagpo ni Pennetta si Williams ngayong gabi sa kanilang singles quarterfinal match.

Samantala, sa men’s doubles action, ang mga hari ay muling namayagpag. Tinalo ng top-seeded pair nina Bob at Mike Bryan ang 7th seed na sina David Marrero at Fernando Verdasco ng Spain.

Naging malakas ang pag-uumpisa ng magkapatid upang dominahin ang unang set sa 6-2, ngunit nabitawan ang kanilang momentum sa second set upang malaglag sa 4-6. Tinulungan sila ng crowd na makapaghabol at nakuha ang break point upang manalo sa dikdikang third set at selyuhan ang laban sa 6-2, 4-6, 6-4.

“We’re really jacked up to win. Towards the end of the match it could’ve gone either way,” ani Bob Bryan matapos ang laro.

“I think you guys made the difference,” dagdag niya at tumuro sa stands.

Dahil sa kanilang panalo, iniayos nila ang semifinals meeting sa kapwa all-American pair nina Rajeev Ram at Scott Lipsky. Ito ang ikatlong pagkakataon sa apat na round na nakaharap ng Bryans ang dalawa pang Americans. Tinalo nila sina Jared Donaldson at Michael Russell sa first round, sinundan nila ito ng panalo kontra Bradley Klahn at Tim Smyczek upang umakyat sa quarterfinals. Ito ang ika-20 sunod na taon na naglaro dito ang magkapatid. Nasungkit nila ang titulo sa apat na pagkakataon.