Minaliit ng batikang trainer at dating world boxing champion na si Robert Garcia na mas mahirap na kalaban ng mga boksingero niya si WBO welterweight titlist Manny Pacquiao kaysa sa Amerianong si pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.

Sa panayam ni Mexican boxing writer Luis Sandoval ng BoxingScene.com, naniniwala si Garcia na gigitlain ng boksingero niyang si Marcos Maidana ng Argentina sa rematch si WBC at WBC 147 pounds champion na si Mayweather.

“Maidana is looking great in camp and is ready to go and shock the world by being the first fighter to defeat Mayweather,” sinabi ni Garcia sabay paglilinaw na mas magiging matindi ang pagsasanay kapag si Pacquiao ang makakalaban ng kanyang mga boksingero.

“I think Pacquiao is more difficult man. Pacquiao is more difficult. With Pacquiao we’ve been in there twice and this is going to be our second time with Mayweather and I think Pacquiao is more difficult to try to prepare for,” ani Garcia. “The style is in and out and side to side; he’s a lot more difficult.”

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Dalawang pagkatalo ang nalasap ni Garcia kay Pacquiao nang talunin ng Pilipino noong 2010 si Mexican Antonio Margarito sa 12-round unanimous decision, gayundin noong 2013 nang paglaruan lang ng Pambansang Kamao ang Amerikanong si Brandon Rios.

“[The difference is] the speed and power Pacquiao has plus the footwork and angles,” paliwanag ni Garcia. “Mayweather is just one style and he’s very defensive but he doesn’t change much. Pacquiao can change. I think Pacquiao is more difficult.”

Idinagdag ng 2012 Trainer of the Year na kung tatalunin ni Maidana si Mayweather ay gusto niyang makaharap ng Argentinian si Pacquiao.

“Why not? Why not go after the second best fighter out there. Make the most money and makes the most sense. Why not. I agree with him,” dagdag ni Garcia sa posibilidad na Pacquiao-Maidana megabout.