Sinabi kahapon ng isang mataas na opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) na hindi kailanman susuportahan ng MNLF ang ideyolohiyang extremist ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

“We don’t subscribe to that (ISIS extremism); the MNLF is really against extremism,” sinabi sa may akda ni Habib Mujahab Hashim, chairman ng Islamic Command Council (ICC) ng MNLF.

Aniya, walang masama sa pagtatatag ng caliphate, pero ang problema ay kung paano ito isinasagawa ng ISIS. “But we will never follow the ISIS, it is too extreme,” aniya.

“Pinapatay nila ang mga ayaw magpa-convert sa Islam,” sinabi ni Hashim. “Labag sa Islam ang ginagawa nila.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang posisyon ng MNLF sa ISIS ay taliwas sa paninindigan ng Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) na parehong nagpahayag ng alyansa sa grupong militanteng Sunni, na nagpapahayag ng estadong Islam sa mga lugar na kinubkob nito sa Syria at Iraq.

“Sinusunod ng ‘jihad fi sabilillah’ ng MNLF ang mga aral ni Prophet Muhammad Sallallahu Allaihi Wassalam,” sinabi ni Hashim, binigyang-diin na tanggap nila ang pagkakaiba-iba ng relihiyon at hindi pinupuwersang i-convert ang mga hindi Islam.

Aniya, hindi naman kailangang militar ang konsepto ng jihad.

“Maaaring isagawa ang jihad sa pagtulong sa mahihirap, pagbibigay ng pagkain, kabuhayan at pagpapatayo ng bahay para sa kanila,” ani Hashim. - Edd K. Usman