Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipino sa United Kingdom na maging mapagmatyag at mag-ingat matapos itaas ng British authorities ang threat level sa international terrorism sa UK at sa Northern Ireland mula “substantial” sa “severe,” ang ikaapat na pinakamataas sa limang antas, noong Agosto 29.

Batay sa UK classification, ang advisory ay nangangahulugang napakalaki ng tsansa ng ang terrorist attack. Gayunman, binigyang diin ng mga awtoridad na walang specific intelligence ng napipintong atake.

Iba-iba at marami ang maaaring pagmulan ng banta ng international terrorism, kabilang na ang Al Qaida at mga kaugnay na networks, at iyong may kapareho ng ideolohiya sa Al Qaida ngunit walang direktang kaugnayan sa kanila. Ang banta ay maaaring magmula sa isang indibiwal o isang grupo, imbes na mas malaking network. Nananatili ring banta ang domestic terrorism kaugnay sa Northern Ireland, lalo na ang Republican terrorist groups.

Hinimok ng Philippine Embassy sa London ang mga komunidad ng Pilipino sa UK at sa Northern Ireland na makinig sa mga babala ng British government at subaybayan ang information channels at ang general media para sa dagdag na developments at updates sa sitwasyon. - Roy Mabasa

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya