Beirut (AFP)— Ang brutal na pamumugot ng inirerekord sa video ng jihadist Islamic State ay naglalayong takutin ang mga kalaban ng grupo, ngunit umani din ito ng galit mula sa mga Muslim na sinasabing kinakatawan ng grupo.

Noong Martes, inilabas ng jihadist group ang isang bagong video ng pamumugot kay Steven Sotloff, ang ikalawang US journalist na pinugutan ng mga mandirigma ng grupo.

Ang video ay inilarawang “sickening” ng United States at nagbunsod ng malawakang galit at takot – na ayon sa mga eksperto ay ang mismong layunin ng grupo.

“The brutality demonstrated in the video says, ‘Don’t mess with us,’” ayon kay Rita Katz, director ng extremist monitoring group na SITE.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinasabi ng Islamic State na sila ang “only ‘true Muslims’ and resort to murder and mayhem as a psychological tactic to terrorise other people,” sabi ni Asma Afsaruddin, professor sa religious studies department ng Indiana University.

Ngunit para sa maraming Muslim sa iba’t ibang panig ng mundo, ang taktika ng Islamic State ay nagbubunga ng paghihiganti at galit.

“Islam is mercy and love and communication with the other,” aniya AFP. “The heinous acts carried out by IS not only contradict Islam but are offensive to it,” sabi ni Sheikh Khaldun Araymit, secretary-general of Lebanon’s Supreme Islamic Council.