Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko laban sa pagkain ng shellfish mula sa karagatan ng Masbate at Western Samar makaraang magpositibo sa red tide toxin ang nabanggit na mga lugar.

Ayon sa BFAR, base sa huling laboratory results sa mga shellfish na nakolekta sa Irong-irong Bay sa Western Samar, ang lugar ay “still positive from paralytic shellfish poison that is beyond the regulatory limit.”

Positibo rin sa red tide ang karagatan ng Milagros sa Masbate.

Nananatili namang negatibo sa red tide toxins ang mga lugar na nakapaligid sa Manila Bay, kabilang ang karagatan ng Cavite, Las Piñas, Parañaque at Navotas, gayundin ang Bataan Peninsula.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Red tide-free rin ang Alaminos, Wawa at Bani sa Pangasinan; Masinloc sa Zambales; Mandaon sa Masbate; Juag Lagoon sa Matnog at Sorsogon Bay sa Sorsogon; Honda at Puerto Bays sa Puerto Princesa City; at ang Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan.

Wala ring red tide sa Pilar, President Roxas, Panay Roxas City, Ivisan at Sapian sa Capiz; E.B. Magalona, Pontevedra, Pulupandan, Valladolid, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran, Cadiz City, Victorias City, Bago City, Binalbagan at San Enrique sa Negros Occidental. - Ellalyn B. De Vera