Kinumpirma ni Atty. Salvador Panelo na mayroong planong kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, sinabi ni Atty. Panelo na dalawang heneral ang lumapit kay Davao Mayor Rodrigo Duterte at hiniling ang suporta nito sa planong destabilisasyon.

“Pero sinabi niya (Duterte) na: Pagbigyan n’yo na lang siya (Pangulong Aquino) tutal mahigit isang taon na lamang siya,” pagbubunyag ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na nais ng mga heneral na si Duterte ang iuupo kapag nagtagumpay ang kudeta.

Handa na rin kaya magpatawad? Mensahe ni VP Sara ngayong Pasko tungkol sa pagpapatawad

Aniya, idinahilan ng mga magsasagawa ng kudeta ang paglabag ni Pangulong Aquino sa Constitution at talamak na katiwalian tulad ng PDAF at DAP.

Kasabay nito, nagpahayag ng paniniwala si Atty. Panelo na, bagamat matindi ang pagtanggi sa kasalukuyan, maaaring tumakbo sa pagka-Pangulo si Duterte sa 2016 elections.

“Bumaling na siya (Duterte) nang ihayag niya ang mga planong gagawin kapag naging Pangulo siya,” diin pa Panelo at binanggit ang pagdedeklara ng Martial Law at pag-abolish sa Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno ang ilan sa unang gagawin ni Duterte.

“Pero sabi niya: Ayoko ko dahil maraming magagalit sa akin,” dagdag ni Panelo.