Malapit nang makumpleto ang konstruksiyon ng housing units para sa mga unipormadong kawani ng bansa. Hanggang Mayo 31, 2014, mayroon nang 46,852 low-cost housing unit ang naitayo, na kumakatawan sa 75% ng inaasintang 62,790 unit. Sumigla ang programa dahil sa pag-release kamakailan ng karagdagang P5.46 bilyon mula sa 2014 national budget, upang pondohan ang may 20,000 unit pa ngayong taon, na magbubuo sa bilang ng nakumpletong unit sa 66,852 mula sa pagsisimula nito noong 2011. Makukuha ng Region IV-A at III ang pinakamalaking pondo sa halagang P1.7 milyon at P1.63 milyon para sa pagpapatayo ng 6,500 at 6,000 housing unit, ayon sa pagkakabanggit.

Inilunsad sa bisa ng Administrative Order 9 na nilagdaan noong Abril 11, 2011, ang AFP-PNP Housing Project at inatasan ang National Houwing Authority (NHA) upang magpatupad at pangasiwaan ang pabahay, sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal at pribadong sektor, para sa sa enlisted pesonnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Nakumpleto ang Phase 1 paras sa 21,000 unit sa halagang P4 bilyon at na-turn over sa mga benepisyaryo noong 2011 – 8,000 unit sa Bulacan para sa military at police personnel sa Northern Luzon, 8,000 sa Cavite at Laguna para sa Southern Luzon, at isa pang 5,000 sa Rizal. Ang mga komunidad ay may kakayahang magsarili, lahat may serbisyo ng tubig at kuryente, drainage system, mga paaralan, health at day care center, himpilan ng pulis, palaruan, at terminal ng transportasyon.

Sinimulang ipatupad ng NHa ang Phase II noong 2013 para sa 31,200 unit sa halagang P7 bilyon sa 34 site sa buong bansa na may isa o higit pang housing site sa bawat rehiyon at 1,500 unit kada lungsod o munisipalidad. Pinalawak ang proyekto upang mabenepisyuhan ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang Bureau of Corrections (BuCor). Sa ngayon, 98% ng Phase II ang nakumpleto na, na may 30,588 bahay.

Ang housing project ay ipinangako ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa idinaos na ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 22-25, 2011 upang bigyan ng disente at abot-kayang mga house-and-lot package paa sa militar at pulisya, ngunit kabilang na ngayon ang BFP, BJMP, at BuCor personnel. Ang paglalaan ng pabahay sa kanila ay isang paraan ng pasasalamat sa kanilang pagsasakripisyo at pagkamasipag sa pagbibigay-proteksiyon sa taumbayan at sa pananatili ng kaayusan at kaligtasan.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

Ang gobyerno ay may hiwalay na housing program para sa mga kawani ng estado, mga public school teacher, at informal settler. Sa pakikipag-agapayan sa private enterprises, maabot ang inaasintang 1.5 milyong bahay pagsapit ng 2016 upang bawasan ang 3.6 miyong kakapusan sa pabahay sa bansa.