Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at 17th Asian Games Philippines Chef de Mission Richie Garcia na maliliwanagan ng Olympic Council of Asia (OCA) at Federation International de Basketball (FIBA) ang teknikalidad sa naturalized player na si Andre Blatche.

Sinabi ni Garcia, nakatakdang magtungo sa Incheon, Korea sa Setyembre 10 upang dumalo sa Asian Games Delegation Registration Meeting sa Setyembre 11-12, na nakasalalay sa organizer na OCA kung tuluyan nilang pahihintulutan na makalaro ang 6-foot-6 na si Blatche para sa Pilipinas.

‘It is either Yes or No lamang,” sinabi ni Garcia.

“There has been record in the Asian Games with the same situation that players are not allowed to play,” paliwanag ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una nang hiningi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kaliwanagan sa Philippine Olympic Committee (POC) ukol sa isyu ni Blatche kung saan sinagot ng isang opisyal ng OCA na hindi kuwalipikado ito habang kuwestiyonable din ang mga manlalaro na sina Jared Dillinger at Gabe Norwood.

Nakatakdang ganapin ang Asiad sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa iba’t ibang lugar sa Incheon, South Korea kung saan ay mahigit isang linggo lamang, matapos ang FIBA World Cup, ay makakasama pa rin si Blatche sa pambansang koponan.

Agad na lilipat ang Gilas Pilipinas team patungong Incheon kung saan ay hangad nilang pigilan ang mahabang panahong paghihintay sa gintong medalya. Huling nagwagi ang Pilipinas ng gintong medalya sa basketball noong 1962 habang ang pinakahuli ay isang tansong medalya noong 1998.