Inatasan ng Korte Suprema si Department of Agrarian Reform (DAR) Assistant Secretary Alex Almario na magpaliwanag kaugnay ng umano’y paniniktik niya sa whistleblower na si Sandra Cam.

Sa isang direktiba, pinagkokomento ng Supreme Court (SC) si Almario sa petition for writ of habeas corpus na inihain ni Cam.

Binigyan ng hukuman ng 10 araw si Almario para makapagsumite ng komento sa petisyon.

Una nang tinukoy ni Cam na noong Abril 30, 2014 hanggang Mayo 13, 2014 ay isang puting Toyota Innova at itim na pick-up na walang plaka ang nagsagawa ng surveillance sa paligid ng Nazareth Institute of Alfonso na kanyang pinangangasiwaan at doon siya pansamantalang nakatira.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagtungo umano si Almario sa eskuwelahan, iniwan ang kanyang calling card doon, nagpakilala bilang “unofficial representative” at nagtanong tungkol sa umano’y listahan ng mga pangalan ng mga Cabinet official at mambabatas na hinihinalang sangkot sa pork barrel scam.

Itinawag umano ni Cam ang paniniktik kay Archbishop Oscar Cruz at ipinaalam sa pulisya noong Mayo 3, 2014.

Naghain din si Cam ng petisyon sa hukuman para matigil na ang mga surveillance operation laban sa kanya.