Sa kumunoy ng Charter-Change (Cha-Cha) at inaabangang panunuyo ni PNoy sa mga “Boss” upang maka-isa pa siya ng termino, mahalagang mabatid muli ng bawa’t Juan ang katanungang – ano bang Saligang Batas sa Pilipinas ang tunay at lehetimong naipasa ng sambayanan? Marami magtataka sa tanong, dahil parang madali sagutin – 1987 Constitution. Mali! Balikan ang kasaysayan…noong ideneklara ang Martial Law, ano ang mga kaganapan noon? Hal. mga pangunahing pahayagan ipinasara tulad ng Manila Times; himpilan ng Telebisyon at Radyo nawala sa ere; pinagdadampot mga oposisyon gaya nina Senador Ninoy Aquino, Jose Diokno atbp. kasama mga Congressmen at nilagay sa piitan. Mismong Kongreso at Senado kandado. Kahit pasahero sa jeep, basta mahaba buhok maaring hatakin at gupitan. Walang pinapayagan makaalis ng bansa. May curfew pa. May Cha-Cha din noon, dahil pinapanday ang 1973 Constitution.

Sa pamamagitan ng Dekreto, nagawa ng Pamahalaan noon na ituloy ang plebesito upang isumite sa Pilipino ang isyu kung nais bang aprubahan ang bagong konstitusyon sa pamamagitan ng Citizen’s Assembly? Sa ilalim ng mga nabanggit, palagay ninyo, naging malaya at tapat ang pag-kunsinte ng Pilipino? Siempre hindi! Subali’t dahil sa desisyon ng Korte Suprema sa Planas v. Comelec (Enero 1973), binabaeng niyakap ng Kataas-Taasang Hukuman na wala ng sagabal panghukuman upang tanggaping may pwersa at bisa na ang bagong Saligang Batas. Ang sit-sit ay, nanginig ang tuhod ng mga Mahistrado dahil baka pati sila ipasara o ipahuli ng Palasyo. Magugunita, sa panahon ng “Laban” at ng Unido, sinisigaw ng oposisyon, hindi lehitimo ang 1973 Constitution.

Nang dumating ang Edsa Uno (at imbes ibalik sa 1935 Constitution ang Pilipinas na siyang tunay na umiiral kahit pinatulog muna noong Martial Law), nagluto si Cory Aquino ng 1987 Constitution. Ano din ba ang bagyo noon: binasura ang Batasan, pinalitan Korte Suprema, nagtatanggal ng mga Lokal na Opisyal at nagtuturo ng OIC, nagdeklara ng Revolutionary Government, at sa plebesito pa, tinakot ang sambayan na pag hindi ipinasa ang 1987 Constitution, babalik tayo sa Freedom Revolutionary Constitution. Malaya ba ang pagratipika natin dito? Hindi. Ang tunay na Konstitusyon na dumaan sa konsiensia ng bayan ay 1935 Constitution.
National

Matapos mga lindol sa Ilocos Sur: 3 rehiyon sa Luzon, pinaghahanda sa posibleng tsunami