Lyca Gairanod

SIMULA nang mapabalita na kasama si Lyca Gairanod sa bagong seryeng Nathaniel ay marami ang nagtatanong sa amin kung kailan ang airing dahil naaliw daw sila sa bagets.

Marami talagang fans si Lyca, at inaabangan ang projects niya!

Tinanong namin ang taga-Dreamscape Entertainment pero wala pa raw silang ideya sa definite date ng pilot, “basta this year,” sagot sa amin.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

Sa nakaraang trade launch ng ABS-CBN na ginawa sa Studio 10 ay kasama raw ang Nathaniel sa pinakarami ang pumalakpak bukod sa Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita nina Vina Morales, Denise Laurel, Jane Oineza, Joshua at Loisa nang ipakita ang mga trailer.

“Mala-Honesto ang dating ng Nathaniel,” sabi sa amin ng mga nakapanood ng trailer.

Going back to Lyca, “Napakanatural ng bagets, hindi mo na kailangang i-workshop kasi marunong umarte, very raw, at talagang sasabihin niya kung ano ang nararamdaman niya.

“Isipin mo, siya lang ang bukod tanging nagsabi kay Kris (Aquino) ng, ‘Bigyan mo ako ng iPad. At siya rin lang ang may lakas ng loob na magsabing, sintunado si Anne (Curtis),” tumatawang sabi sa amin ng dumalo sa trade launch.

Sana lang ay makapag-aral pa rin si Lyca kahit busy na siya sa bago niyang career mula sa pangangalakal, di ba, Bossing DMB?

(Sana naman, para alam niya kung paano niya ima-manage ang malaking perang kinikita niya. -DMB)