Ang Setyembre ay Development Policy Research Month (DPRM) sa Pilipinas, alinsunod sa Proclamation no. 247 na inisyu noong Setyembre 2, 2002, na nagbibigay diin sa pangangailangang itaguyod at palawakin ang kaalaman sa kahalagahan ng policy research at evidence-based policy bilang kasangkapan sa pagbabalangkas ng pambansang kaunlaran at mga programa. Mula 2002, naging instrumental ang DPRM sa pagpapahusay ng mga plano at programa; naging instrumental din sa pagpapalawak ng pag-unawa ng publiko sa socioeconomic policy issues, concerns, at concepts at pagsusulong ng kalidad at pamantayan ng policy research, sa pamamagitan ng braod-based discussions at interactions ng mga sektor at mga kaagapay.
Ang tema para sa pagdaraos ngayong taon ng 12th Development Policy Research Month ay “Addressing the Jobs Challenge toward Inclusive growth” upang pagtuunan ng pansin ang mga isyu sa labor market na makatutulong sa pagresolba ng mga problema ng bansa sa unemployment at underemployment at mapabilis ang poverty reduction, sa gitna ng mga preparasyon para sa Association of Southeast Asian nations Economic (ASEAn) Community sa 2015.
Nagrerekomenda ang Philippine Development Plan 2011-2016 ng mga estratehiya para sa job generation, na kabilang ng pagbubukas ng mga channel para sa lahat ng uri ng employment at mutually beneficial work arrangements, at ang paggamit ng comparative advantage ng bansa sa labor-intensive activities. Tatlong milyong Pinoy ang walang trabaho noong 2013 at 7.51 milyon ang underemployed, ayon sa datos ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS), na nagmungkahi na kailangang tingnan ng gobyerno at ng pribadong sektor ang labor policies and regulations upang makatulong sa pagkakaroon ng produktibo at dekalidad na trabaho para sa mga mamamayan ng bansa upang magamit ang mayamang resources nito, lalo na ang kabataang workforce.
Ang PIDS, ang nangungunang ahensiya para sa mga programa at aktibidad na kaugnay ng isang buwang pagdaraos, ay nag-oorganisa ng mga seminar, talakayan at mga forum upang matulungan ang mga leader at mga komunidad na makagawa ng wastong desisyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng policy research, na pakikinabangan ng taumbayan at ng bansa. Layunin ng mga aktibidad na magkaroon ng angkop na base at suporta upang maunawaang lubos at resolbahin ang mga isyu na nangangailangan ng agarang aksiyon, tulad ng edukasyon, rice and food security, economic competitiveness, local governance, labor and migration, trade, investment, climate change, at poverty alleviation. Taun-taon, hinihimok ng PIDS ang pagdi-display ng isang streamer na may tema ng DPRM sa mga pampubliko at pribadong establisimiyento upang mas mapalawak ang kaalaman ng taumbayan, mga ahensiya at institusyon sa kahalagahan ng okasyon, pati na rin ang himukin ang kanilang partisipasyon.