YANGON, Myanmar (AP) — Sinabi ng na-dethrone na beauty queen mula sa Myanmar na hindi niya ibabalik ang kanyang $100,000 crown hanggang hindi humihingi ng paumanhin ang organizers sa pagtawag sa kanyang sinungaling at magnanakaw.
Iginiit ni May Myat Noe — ang 2014 Miss Asia Pacific World winner — sa isang press conference noong Martes na wala siyang ginawang mali.
Itinanggi niyang nagkaroon siya ng breast implants, batay sa akusa ni David Kim, director of media ng South Korea- based pageant. Sinabi nito na libre ang surgery upang mapalakas ang kanyang pag-angat sa super-stardom.
Sinabi ni Kim na tinanggalan ang dalaga ng kanyang titulo dahil siya ay sinungaling at walang utang na loob — at itinakbo niya ang kanyang bejeweled tiara.
Iginiit ni Noe na sumakay siya sa eroplano pabalik ng Myanmar nang hindi nalalaman na tinanggalan na siya ng korona.