KuMiKiLoS na ang mababang kapulungan ng kongreso para baguhin ang economic provisions ng Saligang Batas. Sampu lang daw ang mga ito na sisingitan o dadagdagan ng mga salitang “unless otherwise provided by law”. Maigsi ang salita, pero masyado malaman. Kasi, ang nais nilang baguhing mga probisyong ng Konstitusyon ay iyong inirereserba lang nito sa mga Pilipino ang pagmamay-ari, pagtamasa at paggamit sa kayamanan at instrumento ng bansa. Kapag nasunod ang mga mambabatas sa pamamagitan na lang ng batas ay puwede na nilang pagkaloob ang mga ito sa mga dayuhan. Kailangan daw ito upang mamuhunan sila dito para sa ikauunlad ng ating ekonomiya.

Puwede sigurong magsugal ang sambayanang Pilipino kung ang sistema ng ating pulitika ay nagluluwal ng mga pulitikong gaya ng dati. Kung kauri nina Pangulong Quezon, senador recto tanada, Diokno at iba pang tulad nilang makabayan ang namumuno sa atin ay maaaring iasa sa mga ito ang kanilang kapalaran at kapakanan ng bayan. Kasi, sa kanilang puso ay nagaalab ang nasyonalismo at pagmamahal sa kapwa Pilipino. ang problema, iba ang sistema ng ating pulitika ngayon. ang uri ng mga pulitikong inululuwal nito ay tulad ng mga nag-aamyenda ngayon ng ating Saligang Batas. Sila iyong nakapaglilingkod lamang sa bisa ng PDaF at DaP. ang galing at lakas nila sa pagganap ng kanilang tungkulin ay nagbubuhat sa pork barrel. ang nagbabago ng ating Konstitusyon ay iyong binigyan nito ng kapangyarihang lumikha ng anti-Dynasty Law.

Hanggang ngayon, dahil sariling interes nila at ng kanilang kapamilya ang kanilang isinusulong, swerte na lang kung anino nito ay makikita natin. Sila rin iyong inatasan ng Konstitusyon na gumawa ng batas ukol sa tunay na reporma sa lupa. Gumawa nga sila pero nang maging batas ito ay hindi muna ito makilala kung Comprehensive and reform Program dahil inalis sa kanyang sakop ang napakalawak na lupa ng bansa. Napakahirap iasa ang kapakanan ng mga Pilipino at ng kanyang salinglahi sa mga pulitiko ngayon nagaameyenda ng Saligan Batas.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza