AMERLI, Iraq (AFP) – Inakusahan ng Amnesty International noong Martes ang mga mandirigma ng Islamic State ng “systematic ethnic cleansing” sa hilagang Iraq, habang patuloy na itinataboy ng mga tropang Iraqi, Kurdish fighters at Shiite militiamen sa tulong ng US air strikes ang mga jihadists.

Naganap ang pag-abante ng military kasabay ng pahayag ng isang senior UN rights official na ang IS jihadists ay gumawa ng “acts of inhumanity on an unimaginable scale” sa Iraq, at sumumpa si caretaker premier Nuri al-Maliki na ang bansa ang magiging libingan ng grupo.

Samantala, tinukoy ng London-based Amnesty ang mga makapanindig balahibong salaysay ng mga nakaligtas sa mga masaker, nang akusahan ang mga jihadist ng “war crimes, including mass summary killings and abductions”.

“The massacres and abductions being carried out by the Islamic State provide harrowing new evidence that a wave of ethnic cleansing against minorities is sweeping across northern Iraq,” sabi ni Donatella Rovera, ang senior crisis response adviser ng the rights group na kasalukuyang nasa hilagang Iraq.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists