INIULAT na sumasailalim si Lindsay Lohan sa hypnotherapy upang matulungan siyang tumigil sa paninigarilyo.
Bumaling ang 28-anyos na aktres sa psychotherapy sa pag-asang maiwawaksi ang kanyang nicotine addiction bago siya magtanghal sa Speed-the-Plow simula September 24 hanggang November 29 sa Playhouse Theatre ng London.
Sinabi ng isang source sa pahayagang The Sun: “Lindsay knows that all eyes will be on her and she’s worried that if she really starts to crave nicotine when on stage, it’ll put her off. Plus, she doesn’t want to be wheezing while she’s treading the boards.
“Some people may not believe in the powers of hypnosis or think it’s all about swinging a watch about, but Lindsay is willing to try anything to make sure she’s a hit.”
Ibinunyag noong Hunyo ng bituin ng Mean Girls, na dinokumento ang kanyang pakikipaglaban para maibangon ang kanyang career at buhay sa kanyang self-titled na OWN reality TV series matapos ang ikaanim na pagpasok sa rehab noong nakaraang taon, na magbibida siya sa revival ng David Mamet’s production, na nagbibigay ng satirical look sa Hollywood.
“It’s the first time I’ve done a stage play or anything like that. I’m nervous but I’m excited,” ani Lindsay.
Samantala, hindi lang ang tuluyang pag-iwas sa sigarilyo ang sinusubukan ni Lindsay, regular din siyang pumupunta sa gym para maging fit sa kanyang West End debut.