enpress copy

ISANG masaya at makabuluhang hapon ang naranasan ng mga kasapi ng Entertainment Press Society o Enpress, Inc. noong Miyerkules, August 27, sa gift-giving activity na kanilang ginawa sa White Cross sa San Juan City, Metro Manila.

Sa tulong ng Puregold ay nagsagawa ng gift-giving at feeding program ang mga kasapi ng Enpress sa mga batang kinukupkop at inaalagaan ng White Cross.

Sa loob ng mahigit dalawang oras ay nakisaya ang Enpress members sa mga bata. Bawat isang Enpress member ay naglaan ng oras para sa isang bata, kasama ang pagpapakain ng early dinner. Labis namang ikinatuwa ng Enpress members ang naturang activity dahil kahit sa ilang oras lamang ay naranasan nila kung paano maging surrogate parent sa simpleng paraan na pagpapakain sa mga paslit na nangangailangan ng pagkalinga, pag-aaruga at pagmamahal.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Naging masaya at makabuluhan ang hapong iyon para sa Enpress members na nakibahagi sa activity.

Bukod sa feeding program, sa tulong ng Puregold ay nagbigay din ng donasyon ang Enpress sa White Cross. Kabilang dito ay pitong kahon ng assorted grocery items at cleaning materials tulad ng dust pan, mop with handle at soft brooms.

“Kami sa Enpress ay labis na natutuwa na maging bahagi ng worthy endeavor na ito. Nais naming ipaabot ang aming pasasalamat sa Puregold sa pagtulong nila sa Enpress thru their generous donation para sa project na ito, na amin namang naibahagi sa White Cross at sa mga batang kanilang inaalagaan. We hope to do this again in the near future,” pahayag ng Enpress members na nagkawanggawa.

Pagkatapos ng gift-giving, naghahanda na ang Enpress sa kanilang 11th Golden Screen Awards sa darating na October 4 sa Teatrino Greenhills at 6th Golden Screen TV Awards sa buwan ng Nobyembre.