Ang 115 sundalong Pilipino na kaanib ng United nations Peacekeeping Force sa Liberia ay magsisiuwi na mula sa bahaging iyon ng West Africa kung saan hindi na makontrol ang epidemyang Ebola. Isa pang grupo ng 311 kababayan ang darating upang tapusin ang kanilang tungkulin sa Oktubre sa golan Heights sa Syria na malapit sa hangganan ng bansang iyon sa may Israel. Maiiwan ang pangatlong grupo na may 115 Pinoy Peacekeeper sa Haiti sa Carribean.
Ngayong linggo, pinalibutan ang mga Pinoy Peacekeeper sa golan Heights ng mga rebeldeng Syrian na umatake sa kanila nang tumanggi silang sumuko. Apatnapung Pinoy na sa isang posisyon, bahagi ng kabuuang 331 miyembrong golan Heights contingent, ang nanatili sa kanilang kinaroroonan at ipinagtanggol ang kanilang kampo sa loob ng pitong oras ng matinding labanan. Pagkalipas ng dalawang araw na stand-off, nagawang tumakas ng mga Pilipino habang madilim pa. May 40 iba pang Un Peacekeepr mula Fiji na nagpasyang sumuko ang nanatiling bihag ng mga rebeldeng Syrian.
Mayroon ngayong panawagan na pauwiin ang mga tropang Pilipino na nasa golan Heights dahil sa lumalalang situwasyon sa Syria. Ito rin ang bansa kung saan ang mga rebelde ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ay kumalat sa northern Iraq upang pagbantaan ang kapital ng Iraq na Baghdad. Kumilos ang Amerika na naglunsad ng airstrikes upang pigilan ang mga mananakop at malamang na magpadala ng mga ground troop.
Walang balak ang Pilipinas na masangkot sa isang bagong digmaan sa Middle East kaya isinasaalang-alang nito ang ating mga Un Peacekeeper sa Syria. gayunman, sinabi ni dating Defense Secretary Rodolfo Biazon, na chairman ngayon ng House Committee on national Defense, kailangang itaguyod ng Pilipinas ang commitment nito sa United nations at, kahit nasa bingit sila ng kamatayan, pinanatili ang mga tropa roon. Totoong ipinamalas ng ating mga kababayan ang kanilang pagkahanda na ipagtanggol ang kanilang mga posisyon at lumaban kahit malaki pa ang kanilang kinakalaban. Malayong paurungin nito ang kanilang mga kawan ngayon.
Sa ngayon, pinananatili ng Un ang 16 peacekeeping operation sa mga hotspot sa buong mundo at kabilang ang mga tropang Pinoy sa tatlo roon – sa Syria, Liberia, at Haiti. Sa lahat ng kanilang misyon, mahusay sa pagganap ng tungkulin ang mga Pilipino sa pananatili ng kapayapaan at estbilidad at sa pagpapahupa ng mga tensiyon. noong araw na nanindigan ang mga Pilipino sa golan Heights, tinawagan ni United States Vice President Joe Biden si Pangulong Aquino at nagpahayag ng kanyang suporta para sa ating mga kababayan sa Syria.
Pauwiin na natin ang ating mga kababayan na nasa Liberia; ang situwasyon doon ay hindi na para sa peacekeeping, ngunit para na sa pagsasagip ng kanilang sariling buhay laban sa isang salot na wala nang lunas. ngunit ipinamalas ng ating mga tropa sa golan Heights sa buong mundo ang kanilang katapangan. Habang pinananatili ng Un ang presensiya nito, ang ating mga kababayang peacekeeper ay kailangan at naipakita nila ang kanilang kahandaan at may kakayahang tugunan ang pangangailangang iyon.