Nakatuon si top seed John Ray Batucan at No. 2 Allan Pason sa title duel matapos nilang walisin ang kanilang unang limang matches at makisalo sa liderato kay Diego Claro sa 22nd Shell National Youth Active Chess Championships (Southern Mindanao leg) sa SM City sa Davao City.

Pinataob ni Batucan, ang mainstay ng Cor Jesu College, sina Jane Guevarra, Eugene Ambor, Ardyin Hijastro, Andre Jorgio at Joerlz Gimony habang pinadapa ni Pason, ang University of Cebu stalwart, sina Rey Harada, Gerry Bagtas Jr., Tahseen Saludsong, Michael Gastala at Gerard Acedo.

Diniskaril naman ni fourth-ranked na si Claro, isa ring University of Cebu bet, sina Macloyd Acedo, Twinkle Abellana, Grace Tabudlong, Baltazar Rafales Jr. at Alberto Diolola Jr. upang puwersahin ang three-way tie para sa liderato patungo sa huling apat na rounds ng 9-round Swiss system tournament na inisponsoran ng Pilipinas Shell.

Nakasunod naman sina No. 6 Kenneth Tabada ng Jose Maria College, No. 9 Exiquila Apao ng University of Mindanao at 60th-ranked Raymund Vistal, kasapi rin ng Cor Jesu College, sa mga namumuno na taglay ang tig-4.5 puntos habang ang 17 iba pa, kasama na sina No. 5 Dhona Yngayo ng UM, No. 7 Gerard Acedo ng Bukidnon State U at Diololo ay nakapagposte ng tig-4 puntos, na gumarantiya ng wide-open battle para sa top honors sa boys’ juniors crown ng event na ginabayan rin ng Shell FuelSave Unleaded ang Diesel, Shell Fuel Oils, Shell V Power Nitro at Shell Rimula, at maging ng Unilever at SM Supermalls na may basbas ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sina Shell Sasa terminal manager Annadelyn Estoque at kiddie participant Vince Lucky Delalamon ang nagsagawa ng ceremonial moves para sa two-day tournament na pinasinayaan rin ni Pilipinas Shell District manager for VisMin Mark Anthony Gayon.