Ni SAMUEL P. MEDENILLA

Isa sa bawat limang empleyadong Pinoy sa bansa ang hikahos sa presyo ng bilihin at serbisyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa inilathalang ulat nito, sinabi ng PSA na aabot sa 18 hanggang 22 porsiyento ng mga empleyado sa bansa ay “underemployed” mula 2006 hanggang 2013.

Itinuturing na “underemployed” ang isang tao kapag kulang ang oras ng trabaho nito o hindi sapat ang trabaho.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The substantial number of the underemployed, which range from 6.6 million to 7.5 million for the past eight years, indicates that jobs were not sufficient to provide basic needs of the employed persons and their families,” ayon sa PSA.

Subalit lumitaw sa huling estadistika ng PSA na patuloy ang bahagyang pagbaba ng bilang ng underemployed na ngayon ay nasa average rate na 0.5 porsiyento.

Karamihan sa mga underemployed ay lalaki, may asawa, nagtapos lamang ng elementarya at nagtatrabaho sa unskilled sector, tulad ng sakahan, forestry work at pangisdaan.

Karamihan din sa mga nakatatanggap na ng malaking sahod ay naghahangad pa rin ng karagdagang kita, ayon sa PSA.

Sinabi rin ng PSA na 70 porsiyento ng underemployed worker ay nasa 25-54 age group habang nasa 18 porsiyento ang nasa 15-24 age group.

“This is an indication that a young age, they are already pressured to earn more in order to support themselves and their families,” pahayag ng PSA.

Naitala ang pinakamaraming underemployed sa Bicol region sa ikawalong taon matapos simulan ang pag-aaral, at ito ay sinundan ng Western Visayas at Calabarzon.

Ang Central Luzon, Cagayan Valley at National Capital Region (NCR) ay kabilang sa mga rehiyon na may pinakamababang bilang ng underemployed worker.

Isinusulong ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pagtataas ng antas ng skills ng mga obrero na nais makakuha ng trabahong may mas malaking sahod.