Tumataas na ang water level ng Angat Dam sa Bulacan na bumaba sa critical level sa nakalipas na mga buwan.

Paliwanag ng Hydrological and Meteorological Division ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakabawi na ang water level ng nasabing water resevoir makaraang makapagtala ng lagpas sa normal operating level ng 180 metro dahil naabot na nito ang taas ng tubig na 181.6 metro.

Matatandaang pinangambahan ang matinding kakapusan ng tubig sa Metro Manila dahil tatlong buwan na hindi umuulan sa lugar ng dam sa Norzagaray.

Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng tubig sa mga taniman sa Central Luzon at nagsu-supply din ng tubig sa 90 porsiyento ng mga residente ng Metro Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho