May tatlong sangay ang gobyerno--- Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura. Ang ehekutibo ang tagapagpatupad ng batas, ang lehislatura ang taga-gawa ng batas, at ang hudikatura na kinakatawan ng Supreme Court (SC) ang taga-interpret ng batas. Ang ganitong sistema ang isinasaad ng Konstitusyon: Tatlong sangay na may magkakaibang tungkulin subalit pare-parehong independent sa bawat isa.

Hindi dapat pagdiskitahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang SC dahil lamang sa deklarasyon nito na ilegal ang ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na inimbento ni Budget Sec. Butch Abad, na aksidenteng nabunyag nang mag-privilege speech si Sen. Jinggoy Estrada at sinabing tumanggap sila (mga senador) ng tig-P50 milyon mula sa administrasyon bilang “premyo” sa matagumpay na pagkaka-impeach kay ex-Chief Justice Renato Corona. Ang iba nga raw ay higit pa sa P50 milyon. Well, kung talagang nakikinig si PNoy sa boses ng kanyang mga “Boss”, dapat ay hindi siya bingi sa panawagan nina Juan Dela Cruz, Pedro Pasang-Hirap at Mariang Tindera. Hindi siya dapat makinig sa bulong ng malalapit niyang tagapayo at KKK na palawigin ang kanyang termino dahil siya ay kailangan pa ng taumbayan. Pakinggan din niya ang mga opinyon ng netizens sa Facebook at Twitter.

Hindi niya dapat isulong ang Charter Change (Cha-Cha), term extension at pagtapyas sa kapangyarihan ng SC. Mahal na Pangulo, tungkulin ng SC na mag-interpret at kahit kontra ka sa desisyon nito, obligasyon mong sundin ito.

Tama si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na ang Korte Suprema ay isang independent court, na ang katapatan nito at ng mga mahistrado ay sa Constitution, hindi sa isang indibidwal tulad ni PNoy na humirang sa kanya. Sabi niya: “Ang katapatan ng korte ay sa Saligang-Batas, itataguyod nito ang kanyang kalayaan kahit sino ang tamaan.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Siyanga pala, isang senior jogger mula sa Maybunga, Pasig City ang may reklamo. Sumabog daw ang transformer ng Meralco sa kanilang lugar at baka maging dahilan ng sunog. Tumawag daw siya sa emergency line na 16211 para ireport ito. Lagi raw recordings ang sumasagot. Umabot daw ng tatlong oras bago napalitan ang transformer!