New York (AFP)– Napatalsik si Maria Sharapova sa US Open ni Caroline Wozniacki kahapon at iniwan ang women’s draw na may dalawa na lamang sa top eight seeds habang hindi naman inalintana ni Roger Federer ang malakas na ulan upang makatuntong sa last-16.

Ang five-time Grand Slam champion na si Sharapova, ang 2006 title winner sa New York, ay tinalo ni Danish 10th seed Wozniacki nang kunin ng 2009 runner-up ang 6-4, 2-6, 6-2 panalo sa Arthur Ashe Stadium at umabante sa quarterfinals.

Nakamit ni Sharapova, tinangkang idagdag ang US Open title ngayong taon sa kanyang French Open win noong Hunyo, ang 43 unforced errors at walong double faults.

Ang mainit na kondisyon ay tila parusa kung kaya’t binigyan ang mga player ng heat break sa loob ng locker room bago ang third set, at nang sila ay magbalik sa loob ng court, hindi na nag-aksaya si Wozniacki ng oras at na-break si Sharapova sa fourth game para sa 3-1 bentahe.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Muli niyang na-break ang Russian superstar sa final game upang selyuhan ang panalo at ang pagkakataong makaharap ang 13th-seeded Italian na si Sara Errani para sa isang semifinal berth.

Tinapos ni Errani ang magical run ng 32-anyos na Croatian qualifier na si Mirjan Lucic-Baroni, 6-3, 2-6, 6-0.

“It means so much to me,” ani Wozniacki, nakaabot sa semifinals noong 2010 at 2011 ngunit hindi pa nakalalampas sa third round sa Flushing Meadows sa huling dalawang taon.

“It’s been a bit up and down for me this season,” dagdag nito. “To win today against a champion like Maria is an unbelievable feeling.”

Dahil sa pagkakatalsik ni Sharapova, dalawa na lamang sa women’s top eight ang nalalabi, si world number one at defending champion Serena Williams at ang seventh-seeded Canadian na si Eugenie Bouchard.

“I thought she played really well. She made me hit a lot of balls. That’s always been her strength. But she did extremely well today. She’s a great retriever, especially in these types of conditions. I just felt like I maybe went for a little too much,” sinabi ni Sharapova.

Samantala, natigil ng dalawang oras ang five-time champion na si Federer dahil sa malakas na ulan sa kanyang paghahabol na makarating sa fourth round.

Nakabalik ang second-seeded Swiss, nagkampeon noong 2004-2008, mula sa isang set na pagkakaiwan upang talunin si Marcel Granollers ng Spain, 4-6, 6-1, 6-1, 6-1, nang makuha ang 20 sa huling 24 games ng laban.

Target na maging pinakamatandang Grand Slam champion sa loob ng mahigit 40 taon, naipako ni Federer ang kanyang ika-70 panalo sa torneo sa likod ng 57 winners at 13 aces.

“It was a good match and I managed to turn it around as Marcel was on fire at the start,” saad ni Federer.

“The break helped me and when I came back I played some great tennis. The conditions were windy and quick at the start but when we got back it was humid and that played in my favor.”

Sunod na makakaharap ni Federer si Roberto Bautista Agust para sa tangkang makausad sa quarterfinals matapos talunin ng Spaniard si Adrian Mannarino, 7-5, 6-2, 6-3.