Sinampahan na kahapon ng mga kasong kriminal ang isang pulis na nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame makaraang maaresto kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa isang 31-anyos na lalaki sa Lipa City noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ni Batangas Police Provincial Office director Senior Supt. Omega Jirel Fidel na kinasuhan na sa Lipa City Prosecutors’ Office si SPO1 Michale Lescano, ng Task Force Tugis.

Umaga nitong Agosto 30 nang natagpuang wala nang buhay sa ilalim ng Sampalukan Bridge sa Barangay Sto. Toribio ang sinasabing dinukot ni Lescano na si Raff Rufino Katigbak, 31, ng Bgy. Sabang, Lipa City.

Ayon sa ulat, may iba pang kasama si Lescano nang magtungo sa bahay ni Katigbak at sapilitan itong isinama. - Ferdinand Castro at Lyka Manalo

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras