Itinuring ni Senator Bam Aquino na bagong “action heroes” ang mga Filipino peacekeeper ng ipakita nila sa buong mundo ang kanilang katapangan laban sa mga Syrian rebel sa Golan Heights.

Ayon kay Aquino, ang hindi pagsuko ng mga sundalong Pinoy ay patunay lamang na hindi aatras ang lahing Pilipino sa anumang uri ng labanan.

Naghain si Aquino ng Senate Resolution No. 877 upang papurihan ang kilalanin ang ipinakitang katapangan upang matupad ang misyon.

“Pinagtibay ng kanilang katapangan ang propesyonalismo ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines,” dagdag pa ng senador.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ang mga Filipino peacekeeper ay bahagi ng UN Disengagement Observer Force (UNDOF) Mission na nagbabantay sa ceasefire agreement ng Syria at Israel.

Tumindi ang tensiyon nang pasukin ng Syrian rebels ang UN-patrolled buffer zone ng Syria at Israel noong August 28, binihag ang 44 Fijian peacekeeper at hiniling ang pagsuko ng mga Filipino peacekeeper pero hindi naman sila sumuko.

Sa ngayon wala pang malinaw kung ano ang kinahinatnan ng may 44 Fijian na nananatiling bihag ng mga rebelde.

Nailigtas ng pinagsanib na tropang Irish at Pinoy ang unang grupo ng mga 35 Filipino peacekeeper na naka-istasyon sa Position 69.

Matapos ang pitong oras na matinding bakbakan, nakatakas ang isa pang grupo ng Pinoy peacekeepers habang natutulog ang mga Syrian rebel noong Linggo.